Greetings from Ateneo HS Glee Club '00 -- Viva la musica!

Ateneo de Manila High School Glee Club with President Aquino and daughter Kris (ADM alum) in 2000. Photo courtesy of JJ Ignacio. Thanks!

----- Original Message -----

From: JJ Ignacio

To: Saint Paul College of Manila Class of '75

Subject: GLIKLAB

Date: Tue, 2 Oct 2001 03:39:37 -0700

Magandang Araw Po!

Ako po si JJ Ignacio, former president at current member ng Ateneo High School Glee Club (AHSGC). Napadaan lang po ako sa webpage niyo at 'di ko maiwasang matuwa dahil sa ginawa ninyong reunion concert. Nakaka inspire po kayo dahil ang tagal tagal niyo nang gliklabers eh nagkikita kita parin kayo! Ano ho kaya kung mag joint concert ang SPCM at AHSGC glee clubs ng batch niyo at ang SPCM at AHSGC glee clubs ngayon? Naku, baka magmukhang parents and kids' choir! Joke lang po.

Sana mainform niyo kami dito sa high school kapag magrereunion concert ulit kayo, ang dating SPCM at AHSGC gliklabers. Isa po 'tong napakalaking inspiration para sa aming current gliklabers.

Viva la musica!

JJ Ignacio

AHSGC '00

----- Original Message -----

From: Mae Cendana

Sent: Thursday, October 04, 2001 12:22 AM

Subject: SPCM - AHS Glee Club

Hello JJ,

Ang sarap naman ng sulat mo... nakakataba ng puso! I'll forward your email to the glee club members who performed at the SPCM HS Coming Home 2000 program. I'm sure they will appreciate your kind words.

The Coming Home 2000 performance was an unforgettable event for the Ateneo and SPCM HS glee clubs. The reunion brought about a lot of good memories and built stronger friendships among the glee club members. It would be a great idea to do it again!

The glee club members of batches 78 and 79 are preparing for their homecoming shows. Maybe, they'll consider your idea of having a reunion performance with the "younger" glee clubs.

Can you please give more info on your glee club today? Who is your moderator? What was your latest or most significant performance? Any pictures? Do you also have a website? I'm really interested:-)

Thanks again for visiting our website and checking out the Glee Club page. Regards to the rest of the members of the AHSGC. And, as you put it so well....

Viva la musica!

Mae Cendana

SPCM HS Glee Club President 1974-75

----- Original Message -----

From: JJ Ignacio

To: Mae Cendana

Subject: RE: SPCM - AHS Glee Club

Date: Wed, 10 Oct 2001 03:13:57 -0700

Magandang araw po!

Maraming salamat po sa pagsagot sa sulat ko sa inyo!

Ang Ateneo High School Glee Club po ngayon ay nadodomina ng puro baguhang miyembro. Meron po kaming 19 new members o kiddies at 3 old members o retros. Isa po ako sa tatlong retros na natitira sa grupo. Ang current conductor po namin ay si Jennifer Alarcon, faculty member ng Ateneo High School at member ng Ateneo Chamber Singers.

Ang pinaka huling grand event ng AHSGC po ay ang Concurso Coral de Ateneo noong November 1999... na nabansagang "most prestigious choral competition" noong mga panahong yoon. Ito po yung evolved form ng traditional musicfest ng AHSGC. Kaya lang, ito po ay natigil last year dahil sa pagpalitpalit ng aming conductor at pagpalit ng kapangyarihan sa gobyerno. Sa padating na Pebrero ay may plano kaming muling buhayin ang traditional musicfest ng group.

Under construction pa po ang webpage namin. Pero magaatach po ako ng pics ng ilang gleeclub pics. Yung pics po ay glee club '00.

Marami pong salamat sa pagsagot. Di ko po akalaing may sasagot sa akin. Ito po ay napakalaking bagay para sa akin... sa amin sa AHSGC!

Viva la musica!

JJ Ignacio

AHSGC '00

Back to www.Paulinians.com or SPCM-ADM HS'70s Glee Club. Visit ADM High School.

Latest page update: 2001-10-16

Saint Paul College of Manila High School Class of 1975 Foundation Inc. (c)2001. All rights reserved.